Sunday, January 18, 2009

Passion of the Christ Tagalog Summary

PASSION OF THE CHRIST
Ang pelikula na ito ay naglalahad ng mga pangyayaring naganap sa 12 oras bago
ipako sa Krus si Hesus. Nagumpisa ang kwento sa “Garden of Olives”.
Dito nagdasal si Hesus pagkatapos ng Huling Hapunan kasama ang kanyang 12 desipolo.
Dahil kay Hudas nalaman ng mga Pharisees kung na saan si Hesus. Hinahanap nila si Hesus
sapagkat sa mga milagrong nagawa nito at sa pag sasabing siya ang Anak ng Diyos.
Nang matagpuan na nila ni Hesus dinala nila ito sa kanilang templo,
dito na sila nagsimulang pagbintangan, tanungin at pag sabihan ng masasamang salita si
Hesus.dito rin itinanggi ni Jose na kilala niya ang panginoon. Pagkatapos ng tanungan
at usapan na sentensyahan si Hesus ng kamatayan. Dinala siya kay Ponsyo Pilato, ang
Gobernador ng mga Romanong Palistino para sa pagsisintensya. Nakinig si Pilato sa mga
akusasyon na ibinabato kay Hesus. Napagtanto niya na ang kanyang sariling decision ay
maaring mag resulta ng gulo sa politica. Kaya naman ibinigay niya ang kaso kay Haring
Herod. Sa kasamaang palad hindi ito tinanggap at muling ibinigay kay Pilato.
Ang desisyon nia ay papiliin ang tao kung sino ang gusto nilang palayain,
si Barabas o si Hesus. Ang piniling makalaya ng lupon ay si Barabas.
Kaya, si Hesus ay ipinaubaya na sa mga Sundalong Romano at siya ay walang pakundangan
sinaktan at inabuso. Madugo at halos di na makilala, Makikita sa muka ni Maria ang
sakit at pighati na nangayayari sa kanyang anak. Siya ay dinala kay Pilato upang maipakita
muli sa madla na si Jesus ay sapat nang napahirapan. Ngunit ang mga tao ay hindi parin
nakuntento. Naaawa man si Pilato, inutos nya sa mga kawal ang gusto ng mga tao.
Nanghihina at sugatan, Si Hesus ay pinagbuhat ng malaking krus at inutusang dalhin ito
sa mga lansangan ng Jerusalem hanggang sa Golgotha. Sa kalagitnaan ng paglalakad sinalubong
siya ni Veronica at pinunasan ng panyo ang kanyang muka. Tinulungan din siya ni
Simon na buhatin ang krus. Duon ay marami pang pananakit ang nangyari hanggang si Hesus ay
ipinako sa krus. Sa Kanyang pagdurusa, Inisip ni Hesus na siya ay iniwan ng Diyos Ama.
Humingi sya ng tulong sa Ama at sa kanyang kamatayan, nalungkot ang langit.
By: Joanna Koi and Zorro Moi

No comments: